Relihiyon... bang!
Monday, July 17, 2006
Ano nga ba ang relihiyon? kelangan ba talaga 'to para maligtas tayo?
nung isang buwan, may lumapit samin habang nakatambay kami sa 'batibot' ng UE. may org daw siya about kay Christ pero di daw sya religious organization. wtf! pwede ba un? tungkol kay Christ pero indi religious? lol.
eh di nagpakilala sya, blah blah blah.. indi ako nakikinig syempre. ano naman pakialam ko sa kanya. Mas masaya pang tumingin sa mga koreana na dumadaan sa harap ko kesa pakinggan ang mga pinagsasasabi nya na alam ko na simula noong bata pa ako. hanggang sa umabot sya sa topic na religion. bang! yan ang topic na pinaka iiwasan ko. Masyadong magulo ang utak ko pag dating sa topic n yan. Di ko rin alam kung bakit. Hindi naman sa indi ako naniniwala sa Diyos pero parang ganun na nga. May panahon na naniniwala ako, pero may panahon din na hindi. Gulo no? Ganyan talaga utak ko.
Siguro kung hindi ako nagkaroon ng magulang na relihiyosa e hindi na talaga ako naniwala sa diyos. Iba kasi pananaw ko sa relihiyon. Oo naniniwala ako na may gumawa sakin, 'yun ang mga magulang ko. Pero sino kaya ang gumawa sa ninuno ng ninuno ng ninuno ng magulang ko. aba ewan. H'wag mo saking itanong. Siguro nga may makapangyarihan ninalang na lumikha satin. Ang galing! Sino kaya ang lumikha sa kanya...
Yan ang parte ng utak ko na naniniwala sa Diyos. Naisip ko kasi na masyadong perpekto ang pagkakagawa sa mundo. Kung naging mas malapit tayo sa araw ng ilang libong milya, natusta na siguro tayo. At kung napalayo naman tayo ng ilang daang kilometro eh baka natulad na tayo sa mga mammoth na nakulong sa yelo. Masyadong swak ang pagkakagawa sa mundo, lalong lalo na sa katawan natin. Nagkataon lang kaya talaga ito o baka naman may lumikha talaga satin. Aba ewan. Pero alam ko, gusto mo ring malaman ang kasagutan diyan.
Balik tayo sa relihiyon, kung sakali mang may Diyos na gumawa sa atin, hindi ako naniniwala na kailangan kong maging kasapi ng isang relihiyon upang mailigtas ako at marating ko ang kanyang ipinangakong paraiso. Isang lugar kung walang sakit at puro kaligayahan lamang. At kung hindi ako maging kasapi nito eh lalamunin ako ng walang hanggang apoy. Iyon ang impyerno? Pero teka, feeling ko naranasan ko na ang impyerno. Mabuhay ka lang sa mundong ito para ka nang nasa impyerno. Pero ganoon talaga ang buhay. Walang madali. Sabi nga ng utol ko, hindi araw-araw pasko!
Eh paano ako maliligtas? Para sa akin kailangan mo lang gumawa ng mabuti sa kapwa mo. 'yun lang. Simpleng-simple. Pero ano nga ba ang pag-gawa ng mabuti sa kapwa? Kailangan mo ba talagang magbigay ng limos at tumulong ng literal sa kapwa mo na nangangailangan? Hindi ba sapat na hindi mo sila ginagawaan ng masama? Ah ewan. 'Wag mong itanong sakin.
Sabi nila nakakalimot daw ang tao sa Diyos kapag nasa ginhawa sila at humihingi sila ng tulong kapag nahihirapan sila. Iba sa akin. Baliktad. Kapag masaya ako, sa ganyang panahon ako nagdadasal. Kapag malungkot ako, diyan hindi. Hindi ko rin alam kung bakit.
Pero sa lahat ng pinagtataka ko ay kung bakit lagi akong hinihikab at biglang inaantok tuwing nasa kalagitnaan ako ng pagdadasal. Parang may pwersang pumipigil sa akin para magdasal. Ano 'yon? Di ko alam. Huwag mo na ring itanong sa akin. At ayaw ko naring ituloy to dahil kinikilabutan na ako.

1 Comments:
astig!!! hehe...nice one! keep posting. doesn't matter kung makatanggap tayo ng pangit na comment. it's our mind, ano bang paki nila!
basta, pawalang-kwentahan tayo ng blog ha! hehehe...
nakalink ka na nga pala sa blog ko.

Sabi ni peso de guzman bandang 12:54 PM