tag:blogger.com,1999:blog-289343142024-03-08T07:23:16.406+08:00your guide to damnationAng pinakawalang kwentang blog sa mundo.Kira Yagamihttp://www.blogger.com/profile/14651917809524314955noreply@blogger.comBlogger14125tag:blogger.com,1999:blog-28934314.post-1162299077544661132006-10-31T20:50:00.000+08:002006-10-31T20:51:18.280+08:00there is nothing wrong with her but it is us and our friendsSince wala ako sa mood mag-isip ngayon at para maabot ko narin ang quota ko this month, share ko nalang sa inyo itong forwarded e-mail sakin na naglalaman ng open essay ng isang Korean.

As you know, we have plenty of Koreans currently studying in the Philippines to take advantage of our cheaper tuition fees and learn English at the same time. This is an essay written by a Korean student I want to share with you. (Never mind the grammar; it's the CONTENT that counts) Maybe it is timely to think about this in the midst of all the confusion at present.

MY SHORT ESSAY ABOUT THE PHILIPPINES
Jaeyoun Kim

Filipinos always complain about the corruption in the Philippines. Do you really think the corruption is the problem of the Philippines? I do not think so. I strongly believe that the problem is the lack of love for the Philippines. Let me first talk about my country, Korea. It might help you understand my point. After the Korean War, South Korea was one of the poorest countries in the world. Koreans had to start from scratch because entire country was destroyed after the Korean War, and we had no natural resources.

Koreans used to talk about the Philippines, for Filipinos were very rich in Asia. We envy Filipinos. Koreans really wanted to be well off like Filipinos. Many Koreans died of famine. My father & brother also died because of famine. Korean government was very corrupt and is still very corrupt beyond your imagination, but Korea was able to develop dramatically because Koreans really did their best for the common good with their heart burning with patriotism.

Koreans did not work just for themselves but also for their neighborhood and country. Education inspired young men with the spirit of patriotism.

40 years ago, President Park took over the government to reform Korea. He tried to borrow money from other countries, but it was not possible to get a loan and attract a foreign investment because the economic situation of South Korea was so bad. Korea had
Only three factories. So, President Park sent many mine workers and nurses to Germany so that they could send money to Korea to build a factory. They had to go through horrible experience.

In 1964, President Park visited Germany to borrow money. Hundred of Koreans in Germany came to the airport to welcome him and cried there as they saw the President Park. They asked to him, "President, when can we be well off?" That was the only question everyone asked to him. President Park cried with them and promised them that Korea would be well off if everyone works hard for Korea, and the President of Germany got the strong impression on them and lent money to Korea. So, President Park was able to build many factories in Korea. He always asked Koreans to love their country from their heart.

Many Korean scientists and engineers in the USA came back to Korea to help developing country because they wanted their country to be well off. Though they received very small salary, they did their best for Korea. They always hoped that their children would
live in well off country.

My parents always brought me to the places where poor and physically handicapped people live. They wanted me to understand their life and help them. I also worked for Catholic Church when I was in the army. The only thing I learned from Catholic Church was that we have to love our neighborhood. And, I have loved my neighborhood. Have you cried for the Philippines?

I have cried for my country several times. I also cried for the Philippines because of so many poor people. I have been to the New Bilibid prison. What made me sad in the prison were the prisoners who do not have any love for their country. They go to mass and work for Church. They pray everyday.However, they do not love the Philippines. I talked to two prisoners at the maximum-security compound, and both of them said that they would leave the Philippines right after they are released from the prison. They said that they would start a new life in other countries and never come back to the Philippines.

Many Koreans have a great love for Korea so that we were able to share our wealth with our neighborhood. The owners of factory and company were distributed their profit to their employees fairly so that employees could buy what they needed and saved money
for the future and their children.

When I was in Korea, I had a very strong faith and wanted to be a priest. However, when I came to the Philippines, I completely lost my faith.

I was very confused when I saw many unbelievable situations in the Philippines. Street kids always make me sad, and I see them everyday. The Philippines is the only Catholic country in Asia, but there are too many poor people here. People go to church every Sunday to pray, but nothing has been changed.

My parents came to the Philippines last week and saw this situation. They told me that Korea was much poorer than the present Philippines when they were young. They are so sorry that there are so many beggars and street kids. When we went to Pasangjan, I forced my parents to take a boat because it would fun. However, they were not happy after taking a boat. They said that they would not take the boat again because they were sympathized the boatmen, for the boatmen were very poor and had a small frame. Most of people just took a boat and enjoyed it. But, my parents did not enjoy it because of love for them.

My mother who has been working for Catholic Church since I was very young told me that if we just go to mass without changing ourselves, we are not Catholic indeed. Faith should come with action. She added that I have to love Filipinos and do good things for them because all of us are same and have received a great love from God. I want Filipinos to love their neighborhood and country as much as they love God so that the Philippines will be well off.

I am sure that love is the keyword, which Filipinos should remember. We cannot change the sinful structure at once. It should start from person. Love must start in everybody, in a small scale and have to grow. A lot of things happen if we open up to love. Let's put away our prejudices and look at our worries with our new eyes. I discover that every person is worthy to be loved. Trust in love, because it makes changes possible. Love changes you and me. It changes people, contexts and relationships. It changes the world. Please love your neighborhood and country. Jesus Christ said that whatever we do to others we do to Him. In the Philippines, there is God for people who are abused and abandoned. There is God who is crying for love. If you have a child, teach them how to love the Philippines. Teach them why they have to love their neighborhood and country. You already know that God also will be very happy if you love others.

That's all I really want to ask you Filipinos.

How touching...Kira Yagamihttp://www.blogger.com/profile/14651917809524314955noreply@blogger.com5tag:blogger.com,1999:blog-28934314.post-1161185151580741222006-10-18T23:22:00.000+08:002006-10-18T23:25:51.986+08:00four leaf cloverSwerte lang kayong mga mayayamang kabataan dahil ipinanganak kayo sa mayaman na pamilya. Huwag n'yong ipagmayabang sa akin yang pera at gadgets n'yo dahil hindi niyo pinaghirapan 'yan. Asa lang kayo sa magulang. Swerte lang kayong mga pambansang bayani dahil nabuhay kayo sa tamang panahon at sa tamang lugar. Kung ngayon kaya mabuhay si Rizal, ano kaya ang nangyari sa kanya? Baka call center agent lang ang trabaho niya sa hirap ng buhay. Swerte lang kayong mga artista dahil nabiyayaan kayo ng magandang pagmumukha. Bakit sa tingin n'yo ba madadala kayo sa kinalalagyan niyo ngayon gamit lamang ang inyong talento? ASA! Swerte lang kayong mga politiko at madami kayong naghihirap na nauto gamit ang inyong salapi noong nakaraang eleksyon.

Malas lang ang mga mahihirap na bata dahil ipinanganak sila sa mahirap na pamilya. Malas ulit sila dahil hindi sila nakakapag-aral at nakakain ng maayos. Paano na ang pag-asa ng ating bayan? Mahirap yatang mag-aral kapag gutom! Malas lang yung mga ipinanganak na may kapansanan. Mas malayo sana ang kanilang mararating kung naging maayos ang kanilang katawan. Malas lang ang mga tao sa Pilipinas, sa kinadami-dami ng bansa sa mundo bakit kaya dito pa tayo ipinanganak? Malas lang yung mga may broken family. :( Hindi na sila masusubaybayan ng kanilang magulang nang maayos.

Madaming bagay na kahit na hindi natin naisin ay nangyayari parin. Ewan ko kung bakit pero ganun talaga ang buhay. Sa simula palang ay hindi na "fair" ang mundong ito. May dalawang estudyante, pareho silang nag-aral, magkasing haba din ang oras na ginugol nila sa pagsusunog ng kilay, ngunit maaring isa sa kanila ay hindi parin pumasa. Siguro ay dahil natural na matalino yung isa at yung isa ay masipag lang talaga. Hindi kasiguraduhan na makakamit mo ang nakamit ng iba kapag tinularan mo siya. Bakit? Madaming factors na nakaka-apekto. Isa na diyan ang "luck". Nakakainis isipin pero swertehan nalang yata talaga ngayon ang buhay.

Malas lang ako dahil ipinanganak akong malas.Kira Yagamihttp://www.blogger.com/profile/14651917809524314955noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-28934314.post-1159932579594503492006-10-04T11:28:00.000+08:002006-10-04T11:30:59.893+08:00Music Makes The World Go RoundNakakatuwang isipin ang epektong dulot sa atin ng musika. Hindi mo lang napapansin pero napakalaki talaga ng impluwensya sa atin nito. Saan nga ba ito nagsimula? Sino kaya yung unang gago este tao na nakaisip na "etong poem/sentence na to lalagyan ko ng tono para magandang pakinggan tapos papatunugin ko narin itong mga bao para mas masaya." Simula noong ipinanganak tayo ay apektado na tayo ng musika kahit hindi pa natin ito naiintindihan. Kasama na natin ito sa hirap at ginhawa o sa saya at lungkot.

Minsan musika ang pumipili ng ating kaibigan. Depende sa genre na hilig at pinapakinggan mo. Kung rakista ka syempre doon ka sasama sa mga ang hilig din na music e rock. Kung RnB ang hilig mo, pipili ka ng mga taong nakikinig din ng ganitong tugtugin. Musika din ang pumipili ng ating fashion. Dito mas madaling nadiDistinguish ang mga tao ayon sa preference nila sa music. Wala naman sigurong rakista na rapper kung manamit. Siguro kung poser pwede pa. Kapag rakista 'yan yung mga naka semi-bodyfit na t-shirt at maong. Mga malalaking damit at "bling-blings" naman ang trip suotin ng mga hip-hop o rapper. Minsan nga pati paniniwala natin sa relihiyon e apektado ng musika. Pati ang ating ugali at kilos natin ay apektado rin nito. May nabasa ako dati tungkol sa isang serial killer sa America. Napakalaki ng impluwensiya sa kanya ng isang banda ng rock. Sinunod nya literally ung mga lyrics ng kanta. Ayun, instant serial killer.

Ang lakas ng dating nito sa atin lalo na sa ating "mood". Kapag badtrip ako ang kadalasang kong therapy ay ang pagkain, ligo, tulog at pakikinig ng music. 'Di ko alam kung bakit pero nareRelax talaga ako minsan kapag nakikinig ako ng music. Anong uri ng music? Depende yo'n. Kung may problema sa pamilya, 'di mawawala sa playlist ko ang Stay Together For The Kids ng Blink 182. Mas gusto ko kasing pakinggan yung mga kanta na nakakarelate ako at may sense ung lyrics. 'Di tulad ng rap na puro pera, sex, kotse at babae ang laman ng lyrics. Mga bagay na lahat ay wala ako o wala pa akong experience... pera... sex... kotse... at higit sa lahat ay babae. lol!

Kung susuriin mo ang mga nauuso at sumisikat na kanta ngayon, kadalasan ay 1.) nakakatawa 2.) nakakarelate yung listener (lalo na kapag love song) 3.) maganda talaga yung kanta. 4.) dinadaan sa itsura ng kumanta (oops tinamaan ba kayo mga boybands? hehe peace tayo)

Hindi lang for entertainment ang musika. Ginagamit din ito sa business. Minsan pa nga ginagamit din ito kapag nanliligaw na ng mga registered voters ang mga politiko.

Hindi lang natin napapansin ngunit minsan e musika na ang nagpapatakbo ng ating mundo. Saludo ako sa mga musikero. Sa kadahilanang magagaling sila at hindi ko kaya ang ginagawa nila dahil kahit na mahilig ako sa music pero wala talagang hilig ang music sa akin. Mabuhay kayo! :)Kira Yagamihttp://www.blogger.com/profile/14651917809524314955noreply@blogger.com8tag:blogger.com,1999:blog-28934314.post-1158763026539789262006-09-20T22:36:00.000+08:002006-09-21T08:36:23.173+08:00all is the world, one is meTayong mga tao ang pinakamaliit na yunit ng isang nasyon. Isa lang tayo. Ngunit kapag nagsamasama at nagkaisa ay mabubuo ang tinatawag nating bansa. Maaaring mabuo ang bansa kahit wala ka ngunit di ka makakabuo ng bansa kung mag-isa ka lang. Ang tanong, bilang isang maliit na yunit na bumubuo ng isang nasyon, kaya mo bang baguhin ang ikot ng mundo gamit ang desisyon at kilos mo?

"All is one, one is all"

Kung mawala ung "one" sa "all" tuloy-tuloy parin ang takbo ng buhay ng "all". Kung ako ung "one" sa "all". Anong mangyayari kung mamatay ako? May mga malulungkot, lalo na yung mga kaibigan at kamag-anak ko. Pero teka, subjective ang dating nun dahil kung titingnan ko ito objectively e parang wala lang ang kamatayan ko. Patuloy paring mabubuhay ang iba. Kakain parin sila tatlong beses sa isang araw, maliligo, papasok at matutulog. Kapag namatay ako, wala lang para sa iyo, kung may epekto man minimal lang. Dito papasok ang impluwensiya. kung malakas ang impluwensya mo, maaaring mabago ng "one" ang galaw ng "all".

Wala akong pangarap. Gusto ko lang mabuhay. Kahit noong bata pa ko kapag tinatanong ako kung ano ang gusto ko kapag tumanda ako ay wala akong sinasagot. Sa ngayon, may gusto akong gawin ngunit hindi ito ang pangarap ko. Ngunit di gano'n kadaling abutin, 'di kayang daanin sa grades at tiyaga. Eto ay ang mabago ang ikot ng mundo ng "all" dahil sa mga kilos at desisyon ko.

walang kinalaman sa topic, bigla ko lang naisip habang nakatunganga:

Kapag namatay ka, maaaring huminto ang mundo ng iba. Maaari ka rin nilang makalimutan. Ngunit paano ka nila matatandaan? Ano ang katibayan mo na nabuhay ka? Ung bangkay mong inaagnas at nabubulok? Mas maganda kung makakagawa tayo ng mga bagay na maaaring makapagpabago ng ikot ng mundo. Mga bagay na hindi madaling makakalimutang ng ibang tao. Mayroong tatlong paraan para hindi ka makalimutan ng iba. Gumawa ng mabuti, gumawa ng masama at gumawa ng kagilagilalas.

ang ibang ideya na mababasa mo dito ay mula sa "Full metal alchemist"Kira Yagamihttp://www.blogger.com/profile/14651917809524314955noreply@blogger.com7tag:blogger.com,1999:blog-28934314.post-1158218861246995692006-09-14T15:26:00.000+08:002006-09-18T11:43:36.993+08:00vocabulary ng isang com sci studentUser-Friendly - Ayon sa dictionary ang ibig sabihin ng user-friendly ay "easy to use or learn to use". Pero para sa akin, ito ay ang mga tao na nakikipag kaibigan lang sa iba upang may makuhang kapalit. From the words "user" ibig sabihin manggagamit at "friendly" na ibig sabihin ay palakaibigan.

GUI (Graphical User Interface) - Ayon sa hand-outs ko sa TECH1 ang GUI ay isang "display format that enables you to choose commands, start programs, and see lists of files and other options by pointing to pictorial representations and lists of menu items on the screen." Pero para sa akin ito ay ang mga tao na makakapal ang mukha at plastic. Isa silang uri ng "user-friendly" kung saan ang puhunan nila ay ang kanilang panlabas na anyo.

LOS (line of sight) - ang salitang ito ay mula sa engineering. Hindi ko masyadong maintindihan ang salitang ito ngunit ginagamit ko ito kapag nangongopya. Kapag sinabi kong "Wala sa LOS ko." ibig sabihin ay hindi ko makita ang sagot mo.

Multithreading - Ayon ulit sa handouts ko sa TECH1, "multithreading refers to splitting a task into smaller tasks called threads that perform more than one task at a time." Ngunit para sakin ang multithreading ay ang paghahati ng mga topics na rereviewin nyo ng cheatmate mo. Halimbawa, sa kanya ang lesson 1 at sayo ang lesson 2. Sa ganitong paraan mas mapapadali at mapapabilis ang pagrereview at organized din ang pagkokopyahan nyo.

ASCII (American Standard Code for Information Interchange) - ayon sa dictionary, ang ASCII ay "standard for defining codes for information exchange between equipment produced by different manufacturers." Ngunit para sa akin, ito ay isang kodiko.

OT (OLD TESTament) - Mga lumang exam/departmentals/activity or quiz na ginagamit/nirerecycle ng mga prof. Instant leakage.Kira Yagamihttp://www.blogger.com/profile/14651917809524314955noreply@blogger.com4tag:blogger.com,1999:blog-28934314.post-1157372514762384382006-09-04T20:04:00.000+08:002006-09-04T20:24:34.626+08:00Anong Magagawa Mo Para Sa Pilipinas Bilang Isang Estudyante?Sa tinagal tagal ko nang naging estudyante e hindi ko na mabilang kung ilang beses ko narinig at sinagutan ang katanungan na iyan. Malamang pati ikaw e nakokornihan na sa paulit-ulit na pagsagot sa mga sulating ganyan ang topic. Sa unang tingin e parang simpleng tanong lang yan pero kung pagaaksayahan mo ng panahon at pag-iisipan ng mabuti e napakaganda ng tanong at napakahirap sagutin. Sayang lang talaga at naging cliche nalang dahil paulit-ulit sa atin itong itanatanong. Ngunit ano nga ba talaga ang magagawa ng isang estudyante? Isang estudyante na umaasa lamang sa bigay ng kanyang magulang. Kumbaga wala pa tayong sariling paa para makapunta sa ating patutunguhan. Kung ikukumpara naman natin ito sa isang larawan, ano nga ba ang magagawa ng isang tuldok sa isang larawan upang mabago ang imahe na makikita sa larawan.

Ngayon, ano nga ba talaga ang magagawa ko bilang isang estudyante para sa Pilipinas? Madalas kong nababasa sa iba e magpakakabait, sumunod sa batas at kung ano ano pa. Pero hindi nalalayo ang sagot nila sa madalas kong sinasagot sa katanungan na iyan. Ang madalas kong sinusulat kapag sinasagot ko ang tanong na to e "Maging isang mabuting modelo para sa kabataan upang gayahin nila ako at hindi sila maligaw ng landas." Pero syempre pa epek ko lang yan para makakuha ng matinong grade dahil alam naman ng lahat na hindi talaga ako magandang ehemplo para sa mga kabataan ngayon. Tamad akong mag-aral at mas gusto ko lang talagang tumunganga sa harap ng PC ko. Idealistic ang dating ng sagot kong yan, pero kung sasagutin ko yan sa paraan na realistic e ito siguro ang isasagot ko. "Mag-aral ng mabuti hanggang makatapos." Siguro sasabihin mo na pano naman kaya uunlad ang Pilipinas kung mag-aaral ako ng mabuti. Anong konek?

Palawakin natin.

Kapag nag-aral ako ng mabuti, may tyansa na magkaroon ako ng trabaho o di kaya e makapag-tayo ako ng sarili kong kumpanya. Medyo malabo pero hindi imposible. Kapag nakapagtrabaho ako, madadagdagan nanaman ang tax-payer sa Pilipinas at ang buwis na yo'n ay makakatulong sa mga naghihirap(isipin mo nalang gano'n talaga ang nangyayari ngayon kahit hindi). Kung makakapagpatayo naman ako ng sarili kong kumpanya e magkakaroon ng bagong job openings at bababa ang unemployment sa ating bansa. Hindi na mapipilitang magnakaw ang iba dahil wala silang trabaho. Bababa ang crime rate sa Pilipinas. Dadami ang mag-iinvest sa bansa natin. In short, uunlad ang Pilipinas. Kung hindi ako mag-aaral, magiging pulubi ako, mababawasan ng tax-payer, hindi ako makakapagpatayo ng sarili kong kumpanya at tataas ang unemployment rate sa Pilipinas. Kitams? May konek un.

Palalimin natin.

Anong gusto kong sabihin sa post kong to? Simple. Mag-aral ka ng mabuti. Huwag mong pakialaman ang mga bagay na wala kang kapangyarihan para pakialamanan. Kung estudyante ka, estudyante ka lang. Wala ka pang "K" para pumunta sa mga rally sa EDSA. Kung gusto mong baguhin ang sistema natin, h'wag kang pumunta sa EDSA bilang isang estudyante. Tumakbo ka muna bilang isang politiko. Sa ganoong paraan e may "K" ka na para makialam. Pa'no kung mamatay ka pa do'n, e di kawawa naman ang magulang mo na nagpakahirap na pag-aralin ka tapos mamamatay ka rin pala ng 'di oras dahil sa pinaglalaban mo na akala mo ay tama. Hindi ko sinasabing masamang makialam. Siguro nasa martial law parin tayo kung hindi nakialam ang mga rallyista noon sa pamamalakad ni Marcos. Basta alam mong tama, at alam mong may magagawa ka. Why not?Kira Yagamihttp://www.blogger.com/profile/14651917809524314955noreply@blogger.com7tag:blogger.com,1999:blog-28934314.post-1156154102588342382006-08-21T17:54:00.000+08:002006-08-25T20:44:09.166+08:00Relihiyon... Bang! Part 2

Hindi naman sa inaatake ko ang relihiyong islam pero muntik na talaga akong masuka nang unang beses kong makita ang mga pictures na nasa taas. Ganyan nga kaya talaga ang paniniwala nila? Maganda nga namang ehemplo yo'n para sa iba upang hindi nila gayahin ang ginawa nung bata. Pero tama ba yo'n? Moderno at sibilisado na tayo ngayon ngunit bakit "an eye for an eye, a tooth for a tooth" parin ang paraan ng paghuhusga at pagpapataw nila ng kaparusahan sa iba.

Nakita ko ang mga pictures na yan sa isang board na lagi kong binabasa, may isang member do'n na nagcomment din tungkol jan. Sabi nya "same thing can be said about Christianity. You do a finite amount of sins in your life, the punishment is an infinite amount of suffering in hell /ho Divine Justice... yummy :D"

Natauhan ako sa sinabi nya. Sa buong buhay kong na naging Kristiyano ako e ang itinuturo sakin e kung gaano kabait ang Diyos at ang "just" na pagpapataw ng parusa Niya. Tama nga naman siya. Makatarungan ba yo'n? Halimbawa ay nagsinungaling, nagnakaw at nang api ka ng iyong kapwa tapos ang parusa sayo e pagkasunog sa apoy na walang hanggan? Hindi ko sinasabing hindi makatarungan yoon. Hindi rin naman natin alam kung totoo nga ang impyerno. Malay mo gawa gawa lang yo'n ng isang taong walang magawa na gustong takutin ang kung sino-sino tulad ng ginagawa ng isang magulang sa anak niyang bata kung saan ay kinukwentuhan ang bata ng mga istoryang nakakatakot o tungkol sa mga multo at aswang upang sumunod sa mga nais ng nakatatanda.

Ngayon alin ang mas makatarungan? Ang parusa na "kung ano ang kasalanan, yo'n ang parusa" o ang parusang walang katapusan?

Siguro nga ay wala akong karapatan upang magkomento sa mga bagay na ito dahil wala naman talaga akong gaanong alam sa relihiyon. Madami akong tanong ngunit ayaw kong maghanap ng sagot. Ngunit noong nakita ko ang pictures na yon at nang mabasa ko ang sinabi ng isang member do'n ay napaisip talaga ako. Oh well, magpakabait nalang tayong lahat upang hindi tayo maparusahan. AMEN.Kira Yagamihttp://www.blogger.com/profile/14651917809524314955noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-28934314.post-1155989240664873682006-08-19T20:06:00.000+08:002006-08-19T20:07:21.226+08:00Mga naiisip ng walang isip.Naghihirap na nga ba ang Pilipinas?

Yan ang tanong na laging pumapasok sa isip ko. Siguro dahil apektado ako sa kalagayan ng ating bansa kaya ko yan naiisip. Pero naghihirap nga ba talaga?

Nakakakain pa naman ako ng tatlong beses sa isang araw, nakakapag-aral, nakakapag-laro, may cellphone(pero cheap ang model), at may computer. Pero bakit ako apektado?

Nasanay akong mamuhay ng simple. Sanay din ako sa hirap. Kaya kong palipasin ang araw nang hindi ako kumakain ng kanin at idadaan ko lang sa tinapay at tubig. Nakisalamuha ako sa mga tambay at walang makain. Hindi ako yung sobrang arte na nandidiri sa mga mahihirap.

Para sa mga mahihirap, ok lang ang walang cellphone at computer basta nakakakain. Sa mga may-kaya o middle class e ok lang 'wag kumain basta makabili ng load sa cellphone o internet. Sa mga mayayaman, mamamatay sila kapag hindi sila nakakain sa mga mamahaling resto at hindi nakabili ng mga latest gadgets o mga bagay na pwede naman tayong mabuhay kahit wala ito.

Sabi nila, Hindi mo kasalanan kung ipinanganak kang mahirap ngunit kasalanan mo na ito kung namatay ka paring mahirap. Naniniwala ako diyan. Nasa ating kamay ang ating kinabukasan. Hindi ako naniniwala na may nakatakda na para sa akin. Naniniwala ako na ako ang gumagawa ng kinabukasan ko.

Wala akong pakialam sa Pilipinas. Dahil wala din namang pakialam ang Pilipinas sa akin. Sa labing pitong taon na itinagal ko sa mundong ito e ni-isang beses e di ko pa nakikita kung saan talaga pumupunta ang mga binabayad na buwis ng aking magulang. Saan nga ba napupunta? Sa edukasyon? Pwede, pero sa private school ako nag-aaral kaya di ko ramdam ang tulong ng gobyerno sa edukasyon. Sa kalsada? Sa tinagal tagal ko nang dumadaan sa Quirino hi-way e ni isang beses di ko pa to nakikitang inaayos nila ang lubak(minsan tinatapalan nila ng aspalto pero 'di sapat yun).

Minsan sinusumpa ko kung bakit dito ako ipinanganak. Sana doon nalang ako ipinanganak sa bansa na mas matino ang sistema at mas masarap mabuhay. Pampalubag loob ko nalang ang pag-iisip na kung 'di ako ipinanganak dito sa bansang ito ay hindi ko rin makikilala ang mga kaibigan ko ngayon.

Naisip mo rin ba yan? Kung oo, wala ka ring isip.Kira Yagamihttp://www.blogger.com/profile/14651917809524314955noreply@blogger.com44tag:blogger.com,1999:blog-28934314.post-1155563016879571172006-08-14T21:36:00.000+08:002006-08-14T21:54:01.606+08:00PrideSetting: 7:30am. Sa loob ng room namin noong High-School. Nag-inspect ng mga pasaway sa uniform ang isang officer sa klase at syempre huli ako. Kaya kailangan ko nanamang bumaba(nasa 4th floor ang room namin) sa ground floor at pumunta sa SDO(Student Discipline Office). Nagmamadali akong bumaba dahil terror din ang teacher ko sa Filipino na subject ko tuwing 7:30-9:00am. Hindi pwedeng magpabagal-bagal kundi baka mag power trip nanaman sakin 'yun.

Habang pababa sa hagdan, nakasalubong ko ang Highschool department head namin.

HS DH: Mr. Tolentino, where are you going?
Ako: (Tinaas ko ang aking pantalon upang ipakita ang aking black socks at sabay turo sa direction ng SDO). To the SDO ma'm. (oo, english talaga yan)

Akala ko OK na, kaya dumiretso na ko pababa pero...

HS DH: MR. TOLENTINO!! COME OVER HERE!

eh di lapit ako...

Ako: What is it ma'm?
HS DH: Is that how you treat someone especially someone with a position in this school? (hindi exact words pero anjan ung gusto nyang sabihin)
Ako: HUH?
HS DH: You are disrepecting me! Is that how you were raised by your family?
Ako: (Taena sige idamay mo pamilya ko. Bakit kaya 'di mo itanong sakin na "Ganyan ba ang tinuturo sa inyo sa school? LOLZ!!!!!!!)
Ako: Is there something wrong ma'm?

Ipinaliwanag niya sakin na kabastusan daw ang ginawa ko sa kanya. Dumaan ang teacher ko sa Filipino at...

HS DH: How does Mr. Tolentino behave in your class?
Fil. Teacher: OK naman. Tahimik nga yan eh! (Naks!!! Kahit galit sakin yan pinuri nya ko! 'di ko binayaran yan ha! hehehehe)

Pagkaalis ng teacher ko sa Filipino...

HS DH: Is there something that you want to say?
Ako: None...
HS DH: What do you say when you commit something undesirable to others(hindi exact words pero yun na yun!)
Ako: Sorry...
HS DH: OK. Is there something that you want to say to me?
Ako: None...(Pinipilit n'ya akong mag sorry)
HS DH: For the last time Mr. Tolentino, Is there something you want to say?
Ako: There is ma'm.
HS DH: Ok what is it?
Ako: Hindi ako nagsosorry kung alam kong wala akong kasalanan. (oo tinagalog ko siya hehehe)
HS DH: OK. Come with me in my office.
Ako: (WHAT THE FUCK?!)

Sa loob ng office nya.

HS DH: Ok. Stay there until you make your decision.

After ng ilang minutes. 'Di parin ako nagsasalita.

HS DH: Go to the SDO.

Sa SDO

SD Officer: Alam mo ba na disrespect yung ginawa mo?
Ako: Hindi.
SD Officer: Bakit ayaw mong mag sorry?
Ako: Kasi wala namang akong ginawang masama.
SD Officer: Alam mo kasi, mataas talaga katungkulan ni HS DH kaya kailangan mo siyang respetohin.
Ako: Gano'n ba yon?
SD Officer: Oo. Ano, Magsosorry ka na ba?
Ako: Hindi parin.

*Dear reader: alam kong nabobore ka na kaya shortcutin ko nalang yung kwento*

Masyadong mahaba ang usapan. Tinakot pa niya ako na di ako makakagraduate at ibabagsak lahat ng subjects ko.
lolz asa. As if i care? Gawin mo na lahat 'wag mo lang i-hack ang RO acct. ko. hahahaha (adik pa ako sa RO noon at yan talaga ang naisip ko. lol).
Pinabalik niya ako sa room ko at ng pumasok ako, instant celebrity, alam ng buong room ang gusot na napasukan ko. Salamat sa'yo madaldal kong teacher sa Filipino.

Classmate 1: Wow angas mo ah. Pati si HS DH sinagot mo.
Classmate 2: Ano nangyari?
etc etc etc.

iba iba reaction nila tungkol do'n.

Dumating ang accounting subject at kinausap ako ng adviser namin(teacher namin sa accounting ang adviser namin)

Mataas respeto ko sa kanya kaya sinunod ko na ang payo niya na mag sorry kay HS DH. Pero nagsorry ako for the sake of formality lang. Basta matapos lang. Bwisit.
Bumalik ako sa office niya at sabi ko may sasabihin ako. Nag sorry ako. Tinanong nya kung galing daw sa kaibuturan(spell?) ng puso ko yun. Sasabihin ko sana wala akong puso at napilitan lang akong magsorry sa kanya. Pero sabi ko "Yes ma'm" sabay alis. Kala ko sisitahin ulit ako dahil tinalikuran ko nanaman siya. Buti nalang nakalusot. hehehe.

Hindi lang yan ang pagkakataon kung saan kinalimutan ko ang pride ko at nagpakumbaba. PERO subukan lang nilang i reject ang sorry ko maghahalo ang balat sa tinalupan! Sabi nga ni Bob Ong. Kapag ang sorry eh dinagdagan mo ng "super" sa simula, di ka na pwedeng magtampo. Kasi nga super na yun.

Mga natutunan ko sa kwento.

1. Ok lang ang mataas na pride. Basta alam mong tama ang pinaglalaban mo. Sige lang. Ipamukha mo sa kanila na ikaw ang tama at wala silang magagawa para baguhin yun.

2. Minsan, kahit ikaw ang tama, kailangang lunukin ang pride kahit na mabulunan ka dahil sa sobrang laki ng pride mo. Kung talagang matigas ang mukha ng kaaway o ka-debate mo at alam mong wala nang patutunguhan ang inyong pinag-uusapan, Sorry! Para lang manahimik ka, pero ako parin ang tama!

3. Upang hindi mapikon ang kausap dahil sa taas ng pride mo sabihin mo na. "OK, naiintidihan ko ang gusto mong sabihin pero *insert explanation here*"

4. H'wag i-isnobin ang HS DH. Baka di ka maka graduate.

5. Sundin ang payo ng adviser. Kaya nga siya naging "Adviser" upang bigyan ka ng payo. Siya ang magulang mo sa paaralan.

6. H'wag mag suot ng black socks, malas yun.

7. Iba iba paniniwala ng bawat tao. Kung sa iba e bastos ang isang bagay, maari namang ka-aya aya ito para sa iba. Yan ang paniniwala ko. "What you can see in a mirror may not be the exact thing someone sees in the same mirror" yan ang quote na naimbento ko at 'di ko alam kung tama ang construction ng sentence. Kumbaga iba ung "view" niya sa isang bagay dahil sa ibang angulo niya ito tinitingnan.

8. Mababaw ang kaligayahan ng SDO at HS DH. Isang sorry ko lang kumpleto na buhay nila :DKira Yagamihttp://www.blogger.com/profile/14651917809524314955noreply@blogger.com9tag:blogger.com,1999:blog-28934314.post-1151338601305688652006-06-26T23:57:00.000+08:002006-08-14T00:14:47.430+08:00deleted post :D:DKira Yagamihttp://www.blogger.com/profile/14651917809524314955noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-28934314.post-1155125253414800332006-08-09T20:02:00.000+08:002006-08-09T20:10:48.856+08:00Ang Aming Haunted HouseMga kwento ng katatakutan na hindi ko alam kung may katotohanan.

Setting: Malamang sa bahay namin, Sa receiving area. Around 11pm.

Habang nagkwekwentuhan sa labas... Bigla kaming nakarinig ng bata o baby ata 'yun na umiiyak.

HS Tropa X: May narinig kayo?
Ako: Oo, parang bata na umiiyak.
HS Tropa Y: Huh? Wala naman akong narinig ah.
Ako: Weh? 'Di ko nga pinansin kasi kala ko guni-guni ko lang eh, eh narinig nya rin pala.
HS Tropa X: Baka naman may baby sa kapit-bahay nyo.
Ako: Ang alam ko wala... Pero iba ang iyak ng baby kumpara dun sa narinig natin kanina eh.
HS Tropa X: Oo nga eh
Ako: Pasok tayo. Nakakatakot eh.

Pumasok kami. Binuksan ko ang PC at nagpatugtog ng MP3. Naka-shuffle ang playlist ko at laman ng playlist na 'yun ang lahat ng mp3 sa pc ko(not classified accdg to genre).

Ako: Hehe para di masyadong nakakatakot.
HS Tropa Y: Astig, Huling El Bimbo!

Tumayo ako at may hinanap na kung ano sa cabinet, sa 'di-malamang kadahilanan ay nakita ko ang picture ng aking yumaong lolo.

Ako: TAENA!! Ba't andito 'to.
HS Tropa X: Ano 'yon?
Ako: Picture ng lolo ko.

Natapos ang Huling El Bimbo. Sinundan eto ng Like a Stone at sinundan ng Buloy.

Ako: SHIT! Ba't puro nakakatakot ang na-plaplay? (May ikinuwento kasi saming interpretation ng Music Vidoe ng Like a Stone at interpretation ng meaning ng lyrics nito. NAKAKATAKOT!)
HS Tropa X: Oo nga no, kanina Huling El Bimbo eh 'di ba sa kantang 'yun may namatay din tapos sa Buloy may namatay din.

ni-Shut Down ko ang PC. Umakyat kami sa Terrace upang magpahangin.

Ako: Wow! Full moon pala
HS Tropa Y: Oo nga no.
Ako: Ay! Naikwento ko na ba sa inyo 'yung history ng lugar na to bago itinayo 'tong bahay namin?
HS Tropa X: 'Di pa

Ikinuwento ko ang malagim na karanasan ng isang Taxi Driver na nahold up sa harap mismo ng bahay namin. Sa kasamaang palad, pinatay sya ng mga hold-uper at itinapon ang katawan nya sa bakanteng lote na ngayon ay kinatatayuan ng aming bahay.

HS Tropa X: Shit! Nakakatakot pala 'yun
Ako: Hehe, teka kunin ko 'yung radyo para di masyadong tahimik. Nakakatakot eh.

Kinuha ko ang radyo at nang isasaksak ko na ang plug nito, BOOM. Pumutok.

Ako: POTA!! Anong nangyari dito. Taena p're 'di na normal to.

Pumasok kami sa loob. 'Di ko alam kung bakit pero tinamaan kaming tatlo ng antok. Naiwanan naming nakabukas ang pinto ng terrace. Si HS Tropa X Nakatulog sa sahig, si HS tropa Y nakatulog sa harap ng pinto at ako nakatulog sa rocking chair.

Setting: Sa sala, 4:00am

Maaga akong gumising noong araw na yoon. Kaya di ko talaga alam kung multo ba yun o imahinasyon ko lang. Pagbaba ko sa sala, noong bubuksan ko na ang ilaw, nakakita ako ng maliit na batang lalaki sa harap ko. Sana guni-guni ko lang yun.

Setting: Sa kuwarto ni kuya.

Kwento ni HS Tropa A. Noong naiwan daw siya sa taas habang naglalaro ng Counter-Strike, may nakita daw siyang babaeng naka itim na mahaba ang buhok.

Setting: Sa Kwarto ko

Kwento ni Tita. May nakita daw siyang babaeng nakatalikod na may mahabang buhok at nagsusuklay. Ang babaeng ito rin kaya ang nakita ni HS Tropa A?

Setting: Sa Kwarto nila Mama

Kwento ni mama. Nakakita daw siya ng babaeng naka itim. Siya rin kaya ang babaeng nakita ni tita?

Setting: Sa kwarto ulit ni Mama

Nasa loob kaming dalawa ni mama. May kumatok ng tatlong beses, pinagbuksan ko ngunit walang tao.

Setting: Sa Sala. Madaling araw

Kung ano anong footsteps ang aking naririnig habang nag aadik sa pagpapalevel ng aking wizard.

Setting: Sa ibat ibang parte ng bahay.

Nasisira ang mga gamit o appliance namin sa bahay ngunit kapag dinadala na sa pagawaan e wala naman daw sira. Nangyari na ito sa playstation namin at sa printer namin. Nangyari din ito sa CPU ng computer sa taas. Ipinagawa namin, kinuha nung gumagawa upang ayusin at ibinalik kinabukasan. Pagkabalik sa amin, nasira ulit. May ilan ilan ding pagkakataon kung saan biglang lumilipat ng channel ang TV.

Sana hindi ito nabasa nung babaeng naka itim!!

Ano? Sleep over tayo samin? Anytime!! hahahaha :DKira Yagamihttp://www.blogger.com/profile/14651917809524314955noreply@blogger.com7tag:blogger.com,1999:blog-28934314.post-1154421898186370902006-08-01T16:39:00.000+08:002006-08-01T16:51:55.816+08:00Mga Kwentong Hindi Malilimutan
Mga Kwentong Hindi Malilimutan: Mga Piling Kwento ng Katatawanan, Kalokohan at Katangahan

Setting: Isang cheap na resort sa Bulacan. Habang naghihintay sa mahabang pila para makagamit ng shower room.

6:30am

Ako: Sana 'di malamig 'yung tubig.
HS Tropa: Uu nga eh.
*kwento kwento kwento*

7:30am

Ako: 'Lang 'ya! 'Di parin ba sila tapos? Isang oras na ah.
HS Tropa: 'Tol dun tayo sa shower room ng babae, wala namang tao diba? Pati wala ring gumagamit simula nung pumila tayo dito.
Ako: Uu nga eh. Siguro 'di nila alam na may shower room dito. Medyo tago rin kasi eh.

Dinala namin ang mga gamit namin pang-ligo. After 5 minutes... May pumasok na mga babae.

Girl 1: (May kausap na isa pang babae) "Blah blah blah blah(" SHETT MAY LALAKE SA SHOWER ROOM!!
HS Tropa: Waahh!! Sorry po!!!
Ako: Wahh!!

Note: Bago ka mag-react na ang manyak ko(lol!), gusto ko lang sabihin na may cubicle doon at walang talagang tao sa shower room ng babae noong pumasok kami. Hehehehe

Setting: Nasa isang mega-taxi kasama ang kuya ko.

Ako: Uy, Malapit na ba tayo? Diba alam mo kung saan ung bagong office ni mama?
Kuya: HA? Diba ikaw ung may alam? Kaw ung kausap ni mama sa phone kanina diba?
Ako: Ano? Sabi ni mama alam mo daw eh.
Kuya: San tayo bababa?
Ako: Ewan, may sinabi si mama na sa may Red Ribbons daw eh. Kaso kanina pa akong walang makitang Red Ribbons dito.

After 20 minutes.

Kuya: POTA! Bakit nasa Araneta Coliseum tayo?
Ako: Wah. Lumagpas tayo!! Bakit ganun? Iba dinaanan nung driver.
Kuya: Pa'no tayo ngayon?
Ako: Tara hanap tayo ng landmark.

Pagkatapos maglakad ng konti...

Ako: Uy, Tara sakay nalang tayong MRT. Tapos baba tayo dun sa may Kamuning. Diba dun malapit 'yun?
Kuya: Tara.

Sa MRT Station.

Ako: Kuya ba't ayaw tanggapin tong card ko? Pa'no ba to? 'Lang 'ya naman oh?
Kuya: Hanapin mo ung arrow!
Ako: ASAN!?
Kuya: TANGA!

Sa loob ng MRT.

Ako: Oi tol, pano kung 'yung mas malapit na station ung bilhin natin na ticket tapos dun tayo bumaba sa ibang station?
Kuya: 'Di ko rin alam, 'di ko pa nasusubukan. Magbabayad ka siguro ng fine kasi mali ung binabaaran mo.

May sumabat na babae.

Girl: Huh? Pa'no 'yun ibang station bababaan ko kasi may emergency?

Napatingin ako sa kuya ko at sabay kaming natawa. =))

Setting: Sa rooftop ng tropa ko nung High-School. Despedida niya.Bumabagyo.

Nagkita-kita kami ng alas-sais ng gabi sa bahay ng tropa namin na aalis kinabukasan papuntang Italy. Pagkatapos lumamon este kumain, kami ay umakyat sa rooftop upang uminom.
Pagkatapos tumaob ng ilang bote ng alak...

HS Tropa A: Mga tol, mahal na mahal ko parin si ****.

Kahit 'di na sabihin ng mga kasama ko, alam kong tawang-tawa din sila dahil sa kakornihan ng sinabi ng lasing naming kaklase.
Nagka-kwentuhan, Napunta ang topic sa bar at clubs.

HS Tropa B: "Blah blah blah blah" (Nag-kukwento tungkol sa first time nya sa loob ng isang club.)

Pagkatapos ng medyo mahabang kwentong walang kwenta, Tumayo sa table si HS Tropa B at i-dinemonstrate samin 'yung sayaw na nakita nya doon sa loob ng club. LOL! Oo, sa taas ng table! Hahahahaha!!

Pagkatapos pa ng ilang minuto, nakakita ng lighter ang isa kong kaklase. Ikinikiskis nya 'yung bilog nung lighter sa lamesa upang mag spark. Nakita ito ng isa ko pang lasing na kaklase.

HS Tropa B: 'TANG INA! 'YUNG YELO UMIILAW!!
Kami('yung mga hindi pa lasing): NYAHAHAHAHAHA!!!
HS Tropa C: (Kinuha ung lighter at tansan, kunwaring ikinuskos ang tansan sa lamesa upang maloko na nag-sspark din 'yung tansan)
HS Tropa A: HOY! PA'NO MO NAPAILAW UNG TANSAN?!?
HS Tropa B: ANO? PATI TANSAN UMIILAW?
HS Tropa A&B: (Kumuha ng yelo at tansan upang subukan kung umiilaw nga)

LOL! NYAHAHAHAHAHA!!! LAKAS TAMA!!

Dahil akala namin na may pasok kinabukasan, Umuwi kami ng hating-gabi. Signal # 2 ang ulan noon. Kawawa ang isa kong classmate dahil kailangan pa niyang i-hatid si HS Tropa A & B dahil sa sobrang kalasingan.

Pagpasensyahan mo na kung ikaw ay nakornihan sa mga pinaglalagay ko dito. Siguro nga ay mababaw ang kaligayahan ko ngunit nakakatawa talaga ang mga 'yan para sa'kin at sigurado ako na matatawa ka rin kung ikaw ang nasa sitwasyon ko.

Kira Yagamihttp://www.blogger.com/profile/14651917809524314955noreply@blogger.com4tag:blogger.com,1999:blog-28934314.post-1153069648329802442006-07-17T01:06:00.000+08:002006-07-17T01:16:32.513+08:00Relihiyon... bang!Ano nga ba ang relihiyon? kelangan ba talaga 'to para maligtas tayo?
nung isang buwan, may lumapit samin habang nakatambay kami sa 'batibot' ng UE. may org daw siya about kay Christ pero di daw sya religious organization. wtf! pwede ba un? tungkol kay Christ pero indi religious? lol.

eh di nagpakilala sya, blah blah blah.. indi ako nakikinig syempre. ano naman pakialam ko sa kanya. Mas masaya pang tumingin sa mga koreana na dumadaan sa harap ko kesa pakinggan ang mga pinagsasasabi nya na alam ko na simula noong bata pa ako. hanggang sa umabot sya sa topic na religion. bang! yan ang topic na pinaka iiwasan ko. Masyadong magulo ang utak ko pag dating sa topic n yan. Di ko rin alam kung bakit. Hindi naman sa indi ako naniniwala sa Diyos pero parang ganun na nga. May panahon na naniniwala ako, pero may panahon din na hindi. Gulo no? Ganyan talaga utak ko.

Siguro kung hindi ako nagkaroon ng magulang na relihiyosa e hindi na talaga ako naniwala sa diyos. Iba kasi pananaw ko sa relihiyon. Oo naniniwala ako na may gumawa sakin, 'yun ang mga magulang ko. Pero sino kaya ang gumawa sa ninuno ng ninuno ng ninuno ng magulang ko. aba ewan. H'wag mo saking itanong. Siguro nga may makapangyarihan ninalang na lumikha satin. Ang galing! Sino kaya ang lumikha sa kanya...

Yan ang parte ng utak ko na naniniwala sa Diyos. Naisip ko kasi na masyadong perpekto ang pagkakagawa sa mundo. Kung naging mas malapit tayo sa araw ng ilang libong milya, natusta na siguro tayo. At kung napalayo naman tayo ng ilang daang kilometro eh baka natulad na tayo sa mga mammoth na nakulong sa yelo. Masyadong swak ang pagkakagawa sa mundo, lalong lalo na sa katawan natin. Nagkataon lang kaya talaga ito o baka naman may lumikha talaga satin. Aba ewan. Pero alam ko, gusto mo ring malaman ang kasagutan diyan.

Balik tayo sa relihiyon, kung sakali mang may Diyos na gumawa sa atin, hindi ako naniniwala na kailangan kong maging kasapi ng isang relihiyon upang mailigtas ako at marating ko ang kanyang ipinangakong paraiso. Isang lugar kung walang sakit at puro kaligayahan lamang. At kung hindi ako maging kasapi nito eh lalamunin ako ng walang hanggang apoy. Iyon ang impyerno? Pero teka, feeling ko naranasan ko na ang impyerno. Mabuhay ka lang sa mundong ito para ka nang nasa impyerno. Pero ganoon talaga ang buhay. Walang madali. Sabi nga ng utol ko, hindi araw-araw pasko!

Eh paano ako maliligtas? Para sa akin kailangan mo lang gumawa ng mabuti sa kapwa mo. 'yun lang. Simpleng-simple. Pero ano nga ba ang pag-gawa ng mabuti sa kapwa? Kailangan mo ba talagang magbigay ng limos at tumulong ng literal sa kapwa mo na nangangailangan? Hindi ba sapat na hindi mo sila ginagawaan ng masama? Ah ewan. 'Wag mong itanong sakin.

Sabi nila nakakalimot daw ang tao sa Diyos kapag nasa ginhawa sila at humihingi sila ng tulong kapag nahihirapan sila. Iba sa akin. Baliktad. Kapag masaya ako, sa ganyang panahon ako nagdadasal. Kapag malungkot ako, diyan hindi. Hindi ko rin alam kung bakit.

Pero sa lahat ng pinagtataka ko ay kung bakit lagi akong hinihikab at biglang inaantok tuwing nasa kalagitnaan ako ng pagdadasal. Parang may pwersang pumipigil sa akin para magdasal. Ano 'yon? Di ko alam. Huwag mo na ring itanong sa akin. At ayaw ko naring ituloy to dahil kinikilabutan na ako.Kira Yagamihttp://www.blogger.com/profile/14651917809524314955noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-28934314.post-1148919049896853402006-05-29T23:54:00.000+08:002006-06-17T05:50:12.890+08:00what a daygg. walang kwentang blog to XD
dito ko lng apply mga bago kong natututunan :DKira Yagamihttp://www.blogger.com/profile/14651917809524314955noreply@blogger.com0