Mga Kwentong Hindi Malilimutan
Tuesday, August 01, 2006
Mga Kwentong Hindi Malilimutan: Mga Piling Kwento ng Katatawanan, Kalokohan at Katangahan
*****
Setting: Isang cheap na resort sa Bulacan. Habang naghihintay sa mahabang pila para makagamit ng shower room.
6:30am
Ako: Sana 'di malamig 'yung tubig.
HS Tropa: Uu nga eh.
*kwento kwento kwento*
7:30am
Ako: 'Lang 'ya! 'Di parin ba sila tapos? Isang oras na ah.
HS Tropa: 'Tol dun tayo sa shower room ng babae, wala namang tao diba? Pati wala ring gumagamit simula nung pumila tayo dito.
Ako: Uu nga eh. Siguro 'di nila alam na may shower room dito. Medyo tago rin kasi eh.
Dinala namin ang mga gamit namin pang-ligo. After 5 minutes... May pumasok na mga babae.
Girl 1: (May kausap na isa pang babae) "Blah blah blah blah(" SHETT MAY LALAKE SA SHOWER ROOM!!
HS Tropa: Waahh!! Sorry po!!!
Ako: Wahh!!
Note: Bago ka mag-react na ang manyak ko(lol!), gusto ko lang sabihin na may cubicle doon at walang talagang tao sa shower room ng babae noong pumasok kami. Hehehehe
*****
Setting: Nasa isang mega-taxi kasama ang kuya ko.
Ako: Uy, Malapit na ba tayo? Diba alam mo kung saan ung bagong office ni mama?
Kuya: HA? Diba ikaw ung may alam? Kaw ung kausap ni mama sa phone kanina diba?
Ako: Ano? Sabi ni mama alam mo daw eh.
Kuya: San tayo bababa?
Ako: Ewan, may sinabi si mama na sa may Red Ribbons daw eh. Kaso kanina pa akong walang makitang Red Ribbons dito.
After 20 minutes.
Kuya: POTA! Bakit nasa Araneta Coliseum tayo?
Ako: Wah. Lumagpas tayo!! Bakit ganun? Iba dinaanan nung driver.
Kuya: Pa'no tayo ngayon?
Ako: Tara hanap tayo ng landmark.
Pagkatapos maglakad ng konti...
Ako: Uy, Tara sakay nalang tayong MRT. Tapos baba tayo dun sa may Kamuning. Diba dun malapit 'yun?
Kuya: Tara.
Sa MRT Station.
Ako: Kuya ba't ayaw tanggapin tong card ko? Pa'no ba to? 'Lang 'ya naman oh?
Kuya: Hanapin mo ung arrow!
Ako: ASAN!?
Kuya: TANGA!
Sa loob ng MRT.
Ako: Oi tol, pano kung 'yung mas malapit na station ung bilhin natin na ticket tapos dun tayo bumaba sa ibang station?
Kuya: 'Di ko rin alam, 'di ko pa nasusubukan. Magbabayad ka siguro ng fine kasi mali ung binabaaran mo.
May sumabat na babae.
Girl: Huh? Pa'no 'yun ibang station bababaan ko kasi may emergency?
Napatingin ako sa kuya ko at sabay kaming natawa. =))
*****
Setting: Sa rooftop ng tropa ko nung High-School. Despedida niya.Bumabagyo.
Nagkita-kita kami ng alas-sais ng gabi sa bahay ng tropa namin na aalis kinabukasan papuntang Italy. Pagkatapos lumamon este kumain, kami ay umakyat sa rooftop upang uminom.
Pagkatapos tumaob ng ilang bote ng alak...
HS Tropa A: Mga tol, mahal na mahal ko parin si ****.
Kahit 'di na sabihin ng mga kasama ko, alam kong tawang-tawa din sila dahil sa kakornihan ng sinabi ng lasing naming kaklase.
Nagka-kwentuhan, Napunta ang topic sa bar at clubs.
HS Tropa B: "Blah blah blah blah" (Nag-kukwento tungkol sa first time nya sa loob ng isang club.)
Pagkatapos ng medyo mahabang kwentong walang kwenta, Tumayo sa table si HS Tropa B at i-dinemonstrate samin 'yung sayaw na nakita nya doon sa loob ng club. LOL! Oo, sa taas ng table! Hahahahaha!!
Pagkatapos pa ng ilang minuto, nakakita ng lighter ang isa kong kaklase. Ikinikiskis nya 'yung bilog nung lighter sa lamesa upang mag spark. Nakita ito ng isa ko pang lasing na kaklase.
HS Tropa B: 'TANG INA! 'YUNG YELO UMIILAW!!
Kami('yung mga hindi pa lasing): NYAHAHAHAHAHA!!!
HS Tropa C: (Kinuha ung lighter at tansan, kunwaring ikinuskos ang tansan sa lamesa upang maloko na nag-sspark din 'yung tansan)
HS Tropa A: HOY! PA'NO MO NAPAILAW UNG TANSAN?!?
HS Tropa B: ANO? PATI TANSAN UMIILAW?
HS Tropa A&B: (Kumuha ng yelo at tansan upang subukan kung umiilaw nga)
LOL! NYAHAHAHAHAHA!!! LAKAS TAMA!!
Dahil akala namin na may pasok kinabukasan, Umuwi kami ng hating-gabi. Signal # 2 ang ulan noon. Kawawa ang isa kong classmate dahil kailangan pa niyang i-hatid si HS Tropa A & B dahil sa sobrang kalasingan.
Pagpasensyahan mo na kung ikaw ay nakornihan sa mga pinaglalagay ko dito. Siguro nga ay mababaw ang kaligayahan ko ngunit nakakatawa talaga ang mga 'yan para sa'kin at sigurado ako na matatawa ka rin kung ikaw ang nasa sitwasyon ko.
4 Comments:
keep posting pare. nga pala, share natin 'tong blog natin kay "HS tropa Italy".
you could write some interesting stories na may sense,,,god bless guyz....by the way if u want to know me plz try to add me in your friendster account which is stacy_thea@yahoo.com
zori ahh
pro indi aman poh
mgnda eh,,,
pro try moh mag post
nextym,,,
heheheheheh
pero nakakatawa ung bandang
tangina ung yelo umiilaw pababa hahahahaha
IDOL NA KITA NGAYON PALANG
PWAHAHAHAHAHAHA
Sabi ni peso de guzman bandang 10:28 PM