Relihiyon... Bang! Part 2
Monday, August 21, 2006
Hindi naman sa inaatake ko ang relihiyong islam pero muntik na talaga akong masuka nang unang beses kong makita ang mga pictures na nasa taas. Ganyan nga kaya talaga ang paniniwala nila? Maganda nga namang ehemplo yo'n para sa iba upang hindi nila gayahin ang ginawa nung bata. Pero tama ba yo'n? Moderno at sibilisado na tayo ngayon ngunit bakit "an eye for an eye, a tooth for a tooth" parin ang paraan ng paghuhusga at pagpapataw nila ng kaparusahan sa iba.
Nakita ko ang mga pictures na yan sa isang board na lagi kong binabasa, may isang member do'n na nagcomment din tungkol jan. Sabi nya "same thing can be said about Christianity. You do a finite amount of sins in your life, the punishment is an infinite amount of suffering in hell /ho Divine Justice... yummy :D"
Natauhan ako sa sinabi nya. Sa buong buhay kong na naging Kristiyano ako e ang itinuturo sakin e kung gaano kabait ang Diyos at ang "just" na pagpapataw ng parusa Niya. Tama nga naman siya. Makatarungan ba yo'n? Halimbawa ay nagsinungaling, nagnakaw at nang api ka ng iyong kapwa tapos ang parusa sayo e pagkasunog sa apoy na walang hanggan? Hindi ko sinasabing hindi makatarungan yoon. Hindi rin naman natin alam kung totoo nga ang impyerno. Malay mo gawa gawa lang yo'n ng isang taong walang magawa na gustong takutin ang kung sino-sino tulad ng ginagawa ng isang magulang sa anak niyang bata kung saan ay kinukwentuhan ang bata ng mga istoryang nakakatakot o tungkol sa mga multo at aswang upang sumunod sa mga nais ng nakatatanda.
Ngayon alin ang mas makatarungan? Ang parusa na "kung ano ang kasalanan, yo'n ang parusa" o ang parusang walang katapusan?
Siguro nga ay wala akong karapatan upang magkomento sa mga bagay na ito dahil wala naman talaga akong gaanong alam sa relihiyon. Madami akong tanong ngunit ayaw kong maghanap ng sagot. Ngunit noong nakita ko ang pictures na yon at nang mabasa ko ang sinabi ng isang member do'n ay napaisip talaga ako. Oh well, magpakabait nalang tayong lahat upang hindi tayo maparusahan. AMEN.
1 Comments:
pareho tayo ng paniniwala. wala sa relihiyon ang kaligtasan. hehe nasabi ko na ata to dun sa Relihiyon bang part 1 ko. Anong ibig mong sabihin sa mga hipokritong kristiyano? Mga kunwaring mabait? Paki elaborate pls. hehehe.
Sabi ni Kira Yagami bandang 8:50 PM