<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/28934314?origin\x3dhttp://thegreatestironyoflifeisliving.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

your guide to damnation

Ang pinakawalang kwentang blog sa mundo.

Anong Magagawa Mo Para Sa Pilipinas Bilang Isang Estudyante?

Monday, September 04, 2006

Sa tinagal tagal ko nang naging estudyante e hindi ko na mabilang kung ilang beses ko narinig at sinagutan ang katanungan na iyan. Malamang pati ikaw e nakokornihan na sa paulit-ulit na pagsagot sa mga sulating ganyan ang topic. Sa unang tingin e parang simpleng tanong lang yan pero kung pagaaksayahan mo ng panahon at pag-iisipan ng mabuti e napakaganda ng tanong at napakahirap sagutin. Sayang lang talaga at naging cliche nalang dahil paulit-ulit sa atin itong itanatanong. Ngunit ano nga ba talaga ang magagawa ng isang estudyante? Isang estudyante na umaasa lamang sa bigay ng kanyang magulang. Kumbaga wala pa tayong sariling paa para makapunta sa ating patutunguhan. Kung ikukumpara naman natin ito sa isang larawan, ano nga ba ang magagawa ng isang tuldok sa isang larawan upang mabago ang imahe na makikita sa larawan.

Ngayon, ano nga ba talaga ang magagawa ko bilang isang estudyante para sa Pilipinas? Madalas kong nababasa sa iba e magpakakabait, sumunod sa batas at kung ano ano pa. Pero hindi nalalayo ang sagot nila sa madalas kong sinasagot sa katanungan na iyan. Ang madalas kong sinusulat kapag sinasagot ko ang tanong na to e "Maging isang mabuting modelo para sa kabataan upang gayahin nila ako at hindi sila maligaw ng landas." Pero syempre pa epek ko lang yan para makakuha ng matinong grade dahil alam naman ng lahat na hindi talaga ako magandang ehemplo para sa mga kabataan ngayon. Tamad akong mag-aral at mas gusto ko lang talagang tumunganga sa harap ng PC ko. Idealistic ang dating ng sagot kong yan, pero kung sasagutin ko yan sa paraan na realistic e ito siguro ang isasagot ko. "Mag-aral ng mabuti hanggang makatapos." Siguro sasabihin mo na pano naman kaya uunlad ang Pilipinas kung mag-aaral ako ng mabuti. Anong konek?

Palawakin natin.

Kapag nag-aral ako ng mabuti, may tyansa na magkaroon ako ng trabaho o di kaya e makapag-tayo ako ng sarili kong kumpanya. Medyo malabo pero hindi imposible. Kapag nakapagtrabaho ako, madadagdagan nanaman ang tax-payer sa Pilipinas at ang buwis na yo'n ay makakatulong sa mga naghihirap(isipin mo nalang gano'n talaga ang nangyayari ngayon kahit hindi). Kung makakapagpatayo naman ako ng sarili kong kumpanya e magkakaroon ng bagong job openings at bababa ang unemployment sa ating bansa. Hindi na mapipilitang magnakaw ang iba dahil wala silang trabaho. Bababa ang crime rate sa Pilipinas. Dadami ang mag-iinvest sa bansa natin. In short, uunlad ang Pilipinas. Kung hindi ako mag-aaral, magiging pulubi ako, mababawasan ng tax-payer, hindi ako makakapagpatayo ng sarili kong kumpanya at tataas ang unemployment rate sa Pilipinas. Kitams? May konek un.

Palalimin natin.

Anong gusto kong sabihin sa post kong to? Simple. Mag-aral ka ng mabuti. Huwag mong pakialaman ang mga bagay na wala kang kapangyarihan para pakialamanan. Kung estudyante ka, estudyante ka lang. Wala ka pang "K" para pumunta sa mga rally sa EDSA. Kung gusto mong baguhin ang sistema natin, h'wag kang pumunta sa EDSA bilang isang estudyante. Tumakbo ka muna bilang isang politiko. Sa ganoong paraan e may "K" ka na para makialam. Pa'no kung mamatay ka pa do'n, e di kawawa naman ang magulang mo na nagpakahirap na pag-aralin ka tapos mamamatay ka rin pala ng 'di oras dahil sa pinaglalaban mo na akala mo ay tama. Hindi ko sinasabing masamang makialam. Siguro nasa martial law parin tayo kung hindi nakialam ang mga rallyista noon sa pamamalakad ni Marcos. Basta alam mong tama, at alam mong may magagawa ka. Why not?
posted by Kira Yagami, 8:04 PM

7 Comments:

Sabi ni Blogger peso de guzman bandang 1:02 PM  

astig. talaga.

nakakasawa yung tanong. yung mga sagot natin nung hs sa mga ganyang tanong, for the sake na "pumasa". pero i'm not missing the whole point. alam kong kalakip nung sagot ko para pumasa eh yung "true" will and desire ko na mapaunlad o tumulong para paunlarin ang bansang papalubog.

mag-aral nang mabuti - i think you'd mentioned the best thing to do, as a student. wala dapat sayanging pagkakataon ang mga pilipinong nakakapag-aral. kung lahat ng estudyante nag-aaral ng mabuti, sa tingin ko ay isa yung napakagandang paghahalimbawa ng "people power" na dapat tularan ng mga nakakatandang ang pagkakaunawa sa people power eh ang pagmamartsa ng milyong masa sa edsa. they think it's unity but it isn't.

para magkaroon ng kwenta ang pilipinas, kelangan mo munang magkaroon ng kwenta.

Sabi ni Blogger bananas bandang 4:06 PM  

This comment has been removed by a blog administrator.

Sabi ni Blogger bananas bandang 4:09 PM  

Kung ako ang sasagot nyang ngayon, ito siguro ang sasabihin ko:

Lumahok sa mga pampolitikal na gawain na naglalayong pabagsakin ang naghaharing uri na pinamumunuan ng isang pekeng pangulong kumakapit tuko sa kanyang inagaw na pwesto.

Nag-aaral na ako ng mabuti pero ang mas mabuting sagutin ay kung mabuti ba ang pinag-aaralan ko? May katuturan ba ito sa aking buhay ngayon at magiging buhay bukas?

Paano ba papandayin ang isang magandang kinabukasan kung ang iyong kasalukuyan ay inaanay na, isang bagay na dapat nang tigabin sapagkat kung hahayaan natin ito ay mabubulok ito tulad ng paglamon ng isang anay sa isang buong bahay.

Ang inanay na bahay ay delikado. Pag gumuho ito, baka pati tayo ay madedo.

Paano na ang bukas? Yon lang. heheheh...

Sabi ni Blogger bananas bandang 8:05 PM  

pero sapat bang dahilan ang kawalan ng pakiaalam ng ilan upang tayo'y mawalan rin ng ganang makiaalam?

Nakakahawa ba ang apathy at cynicism? Hindi nga ba ito kayang tibagin ng pagiging pakialamero?

Paano mag-aral ng mabuti? siple lang yan. Gawin mo ang iyong mga gawaing bahay, pag-aralan ang iyong mga aralin, at magka-grade ng di bababa sa 75.

Ideyal itong sinasabi ko. Maaari ka rin namang makakuha ng gradong mas mababa pa sa 75 pero nag-aral ka ng mabuti eh.

Ang mas mahalagang tanong na dapat na sagutin ay kung magiging anong klaseng tao ka pagkalabas mo sa bahay at pagkatapos mong mag-aral...

Sabi ni Blogger Annonymus bandang 7:26 PM  

Paano po ba Sir Tiradauno I'm student pa lng po pero gusto ko magkaroon ng job sa online work nga lng po..reply po dito mariavasquez.mv216@gmail.com

Sabi ni Blogger Annonymus bandang 7:37 PM  

Paano po ba Sir Tiradauno I'm student pa lng po pero gusto ko magkaroon ng job sa online work nga lng po..reply po dito mariavasquez.mv216@gmail.com

Sabi ni Blogger Unknown bandang 5:27 AM  

Hahahha nakarelate po ako, kasi ang gaganda ng mga sagot natin yung tipong "magpapakabait ako, susunod ako sa batas" totoo ngang sinasagot lang natin iyon para makakuha ng magandang grado pero in real life ewan ko lang.

Add a comment