all is the world, one is me
Wednesday, September 20, 2006
Tayong mga tao ang pinakamaliit na yunit ng isang nasyon. Isa lang tayo. Ngunit kapag nagsamasama at nagkaisa ay mabubuo ang tinatawag nating bansa. Maaaring mabuo ang bansa kahit wala ka ngunit di ka makakabuo ng bansa kung mag-isa ka lang. Ang tanong, bilang isang maliit na yunit na bumubuo ng isang nasyon, kaya mo bang baguhin ang ikot ng mundo gamit ang desisyon at kilos mo?
"All is one, one is all"
Kung mawala ung "one" sa "all" tuloy-tuloy parin ang takbo ng buhay ng "all". Kung ako ung "one" sa "all". Anong mangyayari kung mamatay ako? May mga malulungkot, lalo na yung mga kaibigan at kamag-anak ko. Pero teka, subjective ang dating nun dahil kung titingnan ko ito objectively e parang wala lang ang kamatayan ko. Patuloy paring mabubuhay ang iba. Kakain parin sila tatlong beses sa isang araw, maliligo, papasok at matutulog. Kapag namatay ako, wala lang para sa iyo, kung may epekto man minimal lang. Dito papasok ang impluwensiya. kung malakas ang impluwensya mo, maaaring mabago ng "one" ang galaw ng "all".
Wala akong pangarap. Gusto ko lang mabuhay. Kahit noong bata pa ko kapag tinatanong ako kung ano ang gusto ko kapag tumanda ako ay wala akong sinasagot. Sa ngayon, may gusto akong gawin ngunit hindi ito ang pangarap ko. Ngunit di gano'n kadaling abutin, 'di kayang daanin sa grades at tiyaga. Eto ay ang mabago ang ikot ng mundo ng "all" dahil sa mga kilos at desisyon ko.
walang kinalaman sa topic, bigla ko lang naisip habang nakatunganga:
Kapag namatay ka, maaaring huminto ang mundo ng iba. Maaari ka rin nilang makalimutan. Ngunit paano ka nila matatandaan? Ano ang katibayan mo na nabuhay ka? Ung bangkay mong inaagnas at nabubulok? Mas maganda kung makakagawa tayo ng mga bagay na maaaring makapagpabago ng ikot ng mundo. Mga bagay na hindi madaling makakalimutang ng ibang tao. Mayroong tatlong paraan para hindi ka makalimutan ng iba. Gumawa ng mabuti, gumawa ng masama at gumawa ng kagilagilalas.
ang ibang ideya na mababasa mo dito ay mula sa "Full metal alchemist"

7 Comments:
Hindi naman siguro wala kang pangarap sa buhay. You're just living in the present, ganun lang. Mas ok nga yung ganyan, di ka distracted sa mga resulta o outcomes ng buhay, mas focus ka sa mga bagay na ginagawa mo ngayon. Live life to the fullest!
Sabi ni Kira Yagami bandang 7:14 PM
Oo tama ka ka. Nabubuhay ako sa kasalukuyan dahil madami akong nireregret sa aking nakaraan at wala akong inaabangan sa hinaharap.
Salamat sa bisita at komento =)
Salamat sa bisita at komento =)
Sabi ni peso de guzman bandang 10:02 PM
=) "walang inaabangan sa hinaharap" =)
hindi sa nagdidiscourage ako ng kahit na sino para mangarap sila, it's just that, gawin mo NGAYON kung ano ang gusto mong mangyari BUKAS.
hindi na muna mahalaga yung "paglaki ko ay isa akong ganito...", ang mas mahalaga eh yung worth nung ginagawa mo ngayon para sa "paglaki" mo.
sana migs ganyan ka nung HS. =)

Sabi ni peso de guzman bandang 10:05 PM
uhm...don't give a double meaning on what i'd said (on the last sentence of comment)...
sinabi ko sa'yo sa fx kahapon na parang iba yung migs nung HCA sa migs sa MIT/UE. sabi mo, "ako din yun. hindi ko lang inilalabas."
well, wala ka rin kasi pareng pagsisisihan kung nung HS mo pa yun inilabas. all things you said in your blog are NOT nonsense.
basta ganun. astig ka talaga. keep up.
ilabas mo lang. basta i-flush mo ha.

Sabi ni Kira Yagami bandang 7:13 PM
well masyado kasi akong madaming pinagkakaabalahan nung HS e.
Pero matagal na akong nagsusulat ng mga walang kwentang bagay. Asan na ang mga sinulat ko? Nasa basurahan. 'Yun kasi ang ginagawa ko dati kapag nagigising ako sa madaling araw tapos di na ako makatulog. Nagsusulat. Pagkatapos magsulat o habang nagsusulat, aantukin na ako. Pagkagising binabasa ko yung sinulat ko at pagkatapos ay sa basurahan ang deretso :D

Sabi ni peso de guzman bandang 7:45 PM
haha...ganun.
at least ako lahat (almost, 98%) ng mga naisulat ko since HS (2nd year) eh naitago ko pa. nakakatuwa kasi minsan kapag nababasa ko yung mga yun - lahat ng kakornihang pinaggagagawa ko, lahat ng mga sinulat kong hindi ko alam na may kabuluhan pala ang iba, lahat ng epekto ng pambabasted sa akin ni mimi, lahat nakatago pa.
kasi ako yun eh. sulat ko yun. yun yung takbo ng utak ko sa mga oras na yun. baliw man ako nun o hibang o gutom, at least may proof ako na buhay ako noon. sabi nga ni bob ong, hindi dapat sinusunog ang libro dahil ang libro ay ang mga bahagi ng utak ng tao.

Hahay...
yon lang.
yon lang.
Sabi ni Billycoy bandang 10:23 AM