<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/28934314?origin\x3dhttp://thegreatestironyoflifeisliving.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

your guide to damnation

Ang pinakawalang kwentang blog sa mundo.

four leaf clover

Wednesday, October 18, 2006

Swerte lang kayong mga mayayamang kabataan dahil ipinanganak kayo sa mayaman na pamilya. Huwag n'yong ipagmayabang sa akin yang pera at gadgets n'yo dahil hindi niyo pinaghirapan 'yan. Asa lang kayo sa magulang. Swerte lang kayong mga pambansang bayani dahil nabuhay kayo sa tamang panahon at sa tamang lugar. Kung ngayon kaya mabuhay si Rizal, ano kaya ang nangyari sa kanya? Baka call center agent lang ang trabaho niya sa hirap ng buhay. Swerte lang kayong mga artista dahil nabiyayaan kayo ng magandang pagmumukha. Bakit sa tingin n'yo ba madadala kayo sa kinalalagyan niyo ngayon gamit lamang ang inyong talento? ASA! Swerte lang kayong mga politiko at madami kayong naghihirap na nauto gamit ang inyong salapi noong nakaraang eleksyon.

Malas lang ang mga mahihirap na bata dahil ipinanganak sila sa mahirap na pamilya. Malas ulit sila dahil hindi sila nakakapag-aral at nakakain ng maayos. Paano na ang pag-asa ng ating bayan? Mahirap yatang mag-aral kapag gutom! Malas lang yung mga ipinanganak na may kapansanan. Mas malayo sana ang kanilang mararating kung naging maayos ang kanilang katawan. Malas lang ang mga tao sa Pilipinas, sa kinadami-dami ng bansa sa mundo bakit kaya dito pa tayo ipinanganak? Malas lang yung mga may broken family. :( Hindi na sila masusubaybayan ng kanilang magulang nang maayos.

Madaming bagay na kahit na hindi natin naisin ay nangyayari parin. Ewan ko kung bakit pero ganun talaga ang buhay. Sa simula palang ay hindi na "fair" ang mundong ito. May dalawang estudyante, pareho silang nag-aral, magkasing haba din ang oras na ginugol nila sa pagsusunog ng kilay, ngunit maaring isa sa kanila ay hindi parin pumasa. Siguro ay dahil natural na matalino yung isa at yung isa ay masipag lang talaga. Hindi kasiguraduhan na makakamit mo ang nakamit ng iba kapag tinularan mo siya. Bakit? Madaming factors na nakaka-apekto. Isa na diyan ang "luck". Nakakainis isipin pero swertehan nalang yata talaga ngayon ang buhay.

Malas lang ako dahil ipinanganak akong malas.
posted by Kira Yagami, 11:22 PM

2 Comments:

Sabi ni Blogger Billycoy bandang 10:20 AM  

Pinagpala ka dahil malas ka. Hindi mo makikita ang mga ganitong bagay kung ipinanganak kang masuwerte. Hindi rin suwerte ang mga taong mayayaman at mga pinagpala sa buhay dahil hindi nila nakikita ang mga nasa mata natin. At sapagkat tayo ay malas, malawak naman ang ating vision kumpara sa mga suwerte na hindi nila alam ang ikinikilos ng ating paligid.

Pero swerte raw ang mga nakakakaapak ng jerbaks!

Sabi ni Blogger peso de guzman bandang 10:38 PM  

now it's all about getting the gift of "bad" or "good" life from heaven... siguro nga, merong "malas" at merong "swerte".

parang negosyo - hindi lahat kumikita dahil walang negosyo ang hindi pa nalugi AT LEAST ONCE.

parang yung kasabihan nung kalaro ko dati (nung bata pa ako) na isang iglesia ni cristo member: HINDI ARAW-ARAW PASKO. (kung tutuusin, wala talagang pasko ang INC)

malas. swerte. parang lotto. sweepstake. examination. bunutan. lovelife. pagtama ng kidlat sa tao. ratio ng one is to one cazillion. o pagkaapak natin ng tae ng aso sa daan. malas. swerte.

maaaring meron nga, pero hindi ko alam.

isa lang ang pinaniniwalaan ko - sa kabila ng malas at swerte, FAIR pa rin ang lahat.

mahirap. mayaman. maaaring hindi pantay, pero hindi rin. lahat naman tayo, hindi man binigyan ng pantay-pnatay na biyaya at yaman, binigyan naman tayo ng sapat na kaalaman at oportunidad para linanign ang mga biyayang 'to, base sa kung sino tayo, ano ang buhay natin, saan tayo nakatira, o ano pa.

sabi nga ng prof ko sa p.e., walang grumaduate sa east-asia ang hindi nagkaroon ng trabaho - maliban sa mga tamad maghanap ng trabaho.

weird. pero paano nga naman kapag wala talaga? well i don't believe there isn't a way ANYMORE. like what i said, everyone is given a fair opprtunity to live the life we got, and now it's up to us how we'll find it.

peace pare. para na rin akong nagpost sa blog mo sa haba ng comment ko.

Add a comment